"Kinakailangan ang mga talento at pakikilahok ng lahat" (LS 14)
Magsagawa ng konkretong gawain para sa pangangalaga ng ating nag-iisang tahanan. Naghahandog ang Laudato Si Action Platform kasangkapan ng Simbahan at mga mapagkukunan para sa paglalakbay patungo sa kabuuang sustenabilidad sa diwa ng integral na ekolohiya.
MagpatalaANG PLATAPORMA
Ang Plataporma ng Laudato Si Action , ay isang inisyatibo ng Dikasteriya ng Vatican para sa Pagsusulong ng Integral na Pag-unlad na Pantao , mula sa inspirasyon ng ensiklikal ni Pope Francis noong 2015 na Laudato Si . Ito ay nagbibigay ng kasangkapan sa Simbahan upang matamo ang tunay at pangmatagalang solusyon sa krisis na pang-ekolohiya. Ang patuloy na lumalagong programa ay tumutulong sa mga kalahok upang makagawa ng mga Plano ng mga Gawain o Aksyon na angkop sa pagtatamo ng isang layunin:Mga Konkretong Aksyon upang mapangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.
“tayong mga tao ay nagkakaisa bilang magkakapatid sa isang napakagandang paglalakbay”
(LS 92)
Ang ating Sama-samang Paglalakbay
Susi sa sama-samang pag-unlad natin ang pagkaunawa ng ating kinatatayuan sa ating paglalakbay sa kabuuang sustenabilidad sa pangkalahatang diwa ng integral na ekolohiya. Sa bawat taon , ang mga kalahok ay sasagot ng sariling pagtatasa sa mga ginagawa sa mga larangan na binalangkas ng mga Layunin Laudato Si. Ang pag-unawa ng ating kinatatayuan sa kasalukuyan ay ang unang hakbang upang maunawaan kung saan tayo patungo kinabukasan.
Simulan ang Paglalakbay
SA ika-14 ng Nobyembre , Ang Pandaigdigang Araw ng Panalangin Para sa mga Maralita , sisimulan na ng Dikasterya para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao ang pamamahagi ng Mga Gabay sa Pagpaplano sa Laudato Si.
Ang Mga Gabay sa Pagpaplano ng Laudato Si ay makakatulong sa iyo na makilala at maipatupad ang iyong tugon sa Laudato Si ‘. Inaanyayahan ang iyong institusyon , komunidad o pamilya na gumawa ng higit na maagang dedikasyon.Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng registration form, ipinapangako mo na magnanais ka na tapusin mo ang Plano ng Laudato Si kapag ito ay pormal na nailunsad.
Ikaw ay malugod na hinihikayat na gamitin ang mga sanggunian na nasa ibaba habang ikaw ay nag-iisip ng mga susunod na hakbang sa iyong paglalakbay.
Sumali sa Usapan
Magsubscribe sa mga update na email mula sa Laudato Si Action Platform
Magpatala at makakuha ng inspirasyon sa mga konkretong aksyon o gawain sa iba’t ibang panig ng mundo at sa inyong komunidad. Tumanggap ng mga ideya hinggil sa mga paraan kung paano makapagsasagawa ng aksyon o gawain sa inyong kinaroroonan . Alamin ang mga bagong balita at kaganapan na pinangungunahan ng mga institusyon , organisasyon at mga indibidwak sa iba/t ibang panig ng mundo hinggil sa aktibong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.
"*" indicates required fields
Mga Madalas Na Katanungan
“Turuan nating matuklasan ang halaga ng bawat bagay , mapuno tayo nga paghanga at pagninilay, upang mabatid na tayo ay may malalim na pakikipagkaisa sa lahat ng nilalang habang tayo ay naglalakbaypatungo sa ating walang hanggang kaliwanagan” (LS 246)
Nag-aalok ang Plataporma ng Laudato Si Action ng komprehensibong suporta sa paglalakbay ng inyong institusyon , komunidad , o pamilya tungo sa integral na ekolohiya. Ang seksyon na ito ay nagbibigay ng impormasyong lohistikal at pagpapaliwanag sa mga karaniwang terminolohiya.