Magkatuwang na pinangungunahan nina Maria at Gianni Salerno , mga miyembro ng Focolare , ang pangkat na nangangasiwa sa mga pamilya para sa Plataporma ng Laudato Si Action. Binibigyang- buhay ng kilusang Focolare sa buong mundo ang Laudato Si sa mga malalaki at maliliit na lokal na komunidad o pamayanan.
Sa Myanmar , ang mga batang babae ng Focolare ay nangongolekta ng ng mga basurang plastik sa mga lansangan at dinadala ito sa mga recyclers na gumagawa ng handicrafts( mga gawaing-kamay) at sining mula sa mga basura. Panoorin pa ang video rito.
Sa Silangang Africa , isang batang inhinyero ang tumulong sa mga komunidad sa Rwanda , Uganda at Congo sa pagsasagawa ng proyektong pang-enerhiya . Ipinaliliwanag niya kung paanong nagbibigay kabuluhan sa kanyang mga ginagawa ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad o pamayanan . Panoorin pa ang video rito.
Sa Pilipinas , pinangungunahan ng isang propesor ng Arkitektura sa De La Salle University ang kanyang mga estudyante na makabuo ng proyektong makapag-aalis ng mga basura sa Ilog Pasig ng Maynila. Ang mga taong naninirahan sa mga pansamantalang tirahan na barong-barong sa gilid ng ilog ay mahahalagang katuwang sa gawaing ito. Panoorin pa ang video rito.
Ang pamilyang Salerno ay nakatuon sa pagbubuo ng higit na magandang kinabukasan kasama ang mga miyembro ng Focolare at mga katuwang ng Plataporma ng Laudato Si Action sa buong mundo. Kayo ay inaanyayahan na isaalang-alang ang mga susunod na hakbangin sa inyong paglalakbay sa pamamagitan ng paggamit ng mga kagamitan/materyales sa website ng Plataporma ng Laudato Si Action.