Mga Layunin ng Laudato Si
Tungkol sa Laudato Si
Ang Plataporma ng mga Gawain ng Laudato Si’ ay nagbibigay ng kapangyarihan sa unibersal na Simbahan at lahat ng may mabubuting kalooban na tumugon sa Laudato Si, ang ensiklikal ni Papa Francisco tungkol sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.
Sa pagtuklas ng ating mga sinaunang aral ng ating pananampalataya sa pagsasaalang-alang sa kasalukuyang krisis na pangkalikasan , itinuturo sa atin ng Laudato Si na “ ang lahat ay magkakaugnay.” ( LS91). Habang ipinagwawalang-bahala natin ang ating relasyon sa ating banal na Diyos na Maylikha , ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nagiging mabuway , and ating daigdig ay lalo pang umiinit , hindi na matatag at lalo pang nawawalan ng buhay. Dahil sito , lahat tayo ay nagdurusa , ang pinakamaralita at ang mga mahihina ang higit na nagdurusa sa lahat. kinakaharap natin ang isang kumplikadong krisis na panlipunan at pangkalikasan.” (LS 139)
May pag-asa . Nananawagan si Papa Francisco upang magkaroon tayo ng “ mapagmahal na kamulatan” sa ating tahanan na ating pinagsasaluhan at magsagawa ng pagkilos sa mga pagpapahalagang ating itinatangi. (LS 220)
“Ang ating matatag na paniniwala sa tatlong pangunahin at mahigpit na magkakaugnay na ugnayan: sa Diyos , sa ating mga kapatid at mismong sa diagdig” ipinagkakatiwala natin ang pagtatakda ng may kahabaang landas tungo sa pagpapanibago.” (LS 2020. Niyayakap natin ang ating karapatan sa “kaayusan at pagiging aktibo” na itinalaga ng ating Manlilikha at tayo ay kinakailangang magsimula sa mga bagong pamamaraan ng pamumuhay na may pagkamalikhain at at pagiging masigasig” (LS 21,220)
Mga Layunin ng Laudato Si
Para sa higit pang impormasyon , maaari ninyong repasuhin ang kumpletong talaan ng mga layunin at ang banghay na talaan ng mga mungkahi dito.
“Ang atingmga layunin ay hindi upang mag-ipon ng mga impormasyon o kaya naman ay magkaroon ng kasiyahan sa kuryosidad , ngunit sa halip ay upang maging mulat , magkaroon ng lakas ng loob na angkinin ang mga nangyayari sa ating kalikasan bilang sarili nating pagdurusa at paghihirap upang ating matuklasan kung ano ang maaari nating gawin hinggil dito” ( LS 13)