Mga Artikulo ng Komunidad

Libo-libong Naabot ng Seva Kendra

Posted 7 June 2021

Pagkatapos ng Bagyong Aila (photo, Oxfam International)

Noong May 2009 , ang Bagyong Aila ay nagdulot ng matinding pinsala sa India at Bangladesh , na naging dahilan ng pagkamatay ng 339 at nagtaboy ng mahigit sa1 milyong katao mula sa kanilang mga tahanan. Ang lalo pang lumalakas at pagtagal ng ilang bagyo ay naiuugnay sa pagbabago ng klima,  dahil  ang mas mainit na tubig sa karagatan ay nagdudulot ng mas higit na lakas   sa mga bagyong dumadaan dito.

Dahil sa pinsalang idinulot ng  ng Bagyong Aila , nagsagawa ng pagkilos  ang Seva Kendra.

Ang Seva Kendra Calcutta ay ang opisyal na Sentro ng Paglilingkod Panlipunan ng Arkidiyosesis ng Calcutta. Si Fr. Franklin Menezes , ang Direktor ng Seva Kendra ay katuwang sa Plataporma ng Laudato Si Action. Naging inspirasyon sa maraming tao sa rehiyon at sa labas ng rehiyon ang mga pagkilos ng Seva Kendra.

Solar lighting training (photo, Gaganjit Singh/UN Women

Malinis at Epektibong Pagpapailaw

Ang Seva Kendra ay ay nakagawa ng maraming solar lighting packages upang maging maayos ang pamumuhay ng mga tao , pinagsama ang mga simpleng pailaw na gamit ang enerhiyang solar at ang maigting  na pagsasanay at edukasyon.

 Sa mga lugar na pinaninirahan ng mga katutubo sa Midnapore Deanery , ang inisyatibo ng Seva Kendra sa pagpapailaw ay naging isang pangunahing  programa , sinasanay ang 506 na solar technicians na karaniwang mga di nakapag-aral na kababaihan ng tribu. Ang programa sa pagsasanay sa trabaho sa solar ay nagbigay ng mahalagang  pagkukunan ng kabuhayan at oportunidad sa mga kababaihang ito. Sa kasalukuyan  , nakapagtayo  na ng 40 sentro ng pagsasanay at produksyon ng solar sa malalayong pamayanan , nakapagpatayo ng walong marketing outlets na kinabibilangan ng mga sinanay na teknisyan at nakapagbenta na ng mahigit sa 30 ,0000 na solar lanterns.

Sa pagtatatag ng gawain sa Midnapore Deanery , pinangunahan ng Seva Kendra ang mahigit sa 20 training workshops sa mga diyosesis ng Kanlurang Bengal at maging sa Myanmar at Thailand , na nagdala ng tunay na pag-asa sa mga naninirahan sa labas ng hangganan ng arkidiyosesis.

Ang pagpapailaw gamit ang solar ay hindi lamang ang tanging programa ng Seva Kendra. Pinangasiwaan nito ang transisyon mula sa paggamit ng filament bulbs o bumbilya sa paggamit ng mga ilaw LED sa mga tahanang makikita sa mga naghihikahos  na lugar ng  mga tribu . Ang mga ilaw na LED ay nakatitipid sa gastusin sa enerhiya  at ang lokal na pagbubuo  nito ay lalo pang nakababawas sa presyo at nakalilikha ng lokal na hanapbuhay . Maraming institusyon sa Arkidiyosesis ng Calcutta  ang gumagamit ng  bumbilyang LED  , na sa kalaunan ay sumusuporta  sa maayos na  hanapbuhay habang nakatitipid sa enerhiya.

Solar lighting training (photo, Abbie Trayler-Smith)

Ang Pundasyon  ng Dignidad

Higit pa sa pagpapailaw , nakalikha ang Seva Kendra ng mga sistema na nakatutulong sa mga tao na mamuhay nang may dignidad sa pamamagitan ng  pagkakaroon ng oportunidad sa mga pangunahing  paglilingkod.

Nakapagbuo ang organisasyon ng rooftop solar system sa mahigit na 100 institusyon at mahigit na 50 institusyon na may sistemang solar sa pagpapainit ng tubig . Sa isang malayong isla na kung tawagin ay Satjelia , nakapagtayo ang organisasyon ng mga solar panels at isang maliit na windmill na nagsusuplay sa apat na kabahayan ng kuryente sa araw at gabi. Ang 100 kilowatt  solar array ay  nagsusuplay  naman ng kuryente sa punong tanggapan nito.

Ang mga mamamayan ng Midnapore Deanery ay  maginhawang nakahihinga at nababawasan na ang oras na ginugugol sa pangunguha ng kahoy at mga dahong panggatong sa pamamagitan ng mga  mas maayos na  kalan na panluto na itinataguyod ng Seva Kendra.

Para sa mga taong walang pinagkukunan ng malinis na tubig , gumawa ang Seva Kendra ng “bio-sand”  na pansala sa tubig(water filters) , na mas mura at madaling panatilihin. Ang pagbibigay ng edukasyon/ kaalaman  tungkol sa mga pansala na ito ay ginanap sa  North 24 Parganas District , kung saan mataas ang lebel ng arsenic sa tubig.

Sa huli , ang Seva Kendra ay nagtataguyod ng mga lokal na pag-aari at ang pangangasiwa ng mga  sistema sa pagbubukid upang mabigyan sila ng masustansyang pagkain. Nakatulong ang mga programang ito sa mga tao upang magkaroon ng gulayan sa kanilang kusina , makapag-imbak ng  mga tradisyunal na binhi at matuto ng mga pamamaraan sa pagsasaka. Ang programang pang-edukasyon para sa mga magsasaka ng Seva Kendra ay nakaimpluensya sa tatlong tahanan ng mga kabataan na pinagangasiwaan ng pamahalaan at 22 hostels.

Marahil ang lalo pang nakamamangha ,  sa pamamagitan ng mabuting gawain ng Seva Kendra, ang  1000 kababaihan ay nagbigyan ng kalakasan  sa pamamagitan ng organikong pagsasaka , nakatatanggap sila ng hindi lamang mga mahahalagang impormasyon at pagsasanay subalit mayroon ding mga binhi at mga punla upang  makaahon sila sa pananalasa ng bagyong Amphan sa lugar noong 2020.

Director Fr. Franklin Menzes with schoolchildren (photo, Seva Kendra)

Seva Kendra’s  work is a testament to the power of hope in the face of overwhelming odds. Laudato Si’ Action Platform partners are coming together in unity as we build a better future together. You’re invited to consider the next steps in your journey at the Laudato Si’ Action Platform website. 

Ang pagkilos ng Seva Kendra ay isang patunay ng kapangyarihan  ng pag-asa sa harap ng malalaking suliranin. Magkakasama at nagkakaisa ang mga katuwang ng Plataporma ng Laudato Si Action sa pagtataguyod ng mas maliwanag na kinabukasan . Kayo ay inaanyayahan na isaalang-alang ang mga susunod na hakbangin sa inyong paglalakbay na makikita sa website ng Plataporma ng Laudato Si.