Tungkol sa Plataporma ng Laudato Si Action

Ang Plataporma ng mga Gawain ng Laudato Si’ ay isang natatanging kolaborasyon sa pagitan ng Vatican , ang pandaigdigang koalisyon ng mga organisasyong Katoliko ,  at “ lahat ng may mabuting kalooban” (LS3). mula sa isang matibay na pamamaraan o pagdulog . Ito ay malalim na nakaugat sa mga kalakasan at mga realidad ng mga pamayanan sa buong mundo na nagbibigay ng kapangyarihan sa lahat upang magsagawa ng mapagpasyang pagkilos  at ngayon “ habang tayo ay sama-samang  naglalakbay patungo sa isang mas magandang  kinabukasan. (LS 161)

Kailangan ang agarang pagkilos. Tinatawagan  ng ating Manlilikha ang sangkatauhan na maging tagapangasiwa ng mga nilikha , subalit hindi natin pinakinggan ang panawagan. Ang ating mas umiinit , mas marumi at namamatay na planeta  ay nagdudulot ng pagdurusa . Ang mga mahihina ang nagdurusa sa lahat.

At sa napapanahong pagkakataon , tayo ay tumutugon sa panawagan sa paghilom ng ating ugnayan sa Diyos , sa ating mga kapatid at mismong sa daigdig. sa pamamagitan ng Plataporma ng mga Gawain ng Laudato Si’ , tayo ay sama-samang bumabagtas tungo sa” landas ng pagpapanibago”. ( LS 202)

Image decoration

Mga Elemento ng programang Laudato Si Action

Ang Platapormang Laudato Si Action ay ilulunsad sa tatlong panahon sa loob ng taong 2021 at 2022. Ang mga impormasyon hinggil sa plataporma ay makikita dito. here. Kapag nakumpleto na , ang plataporma sy bubuuin ng tatlong elemento:Mga Gabay sa Pagpaplano sa Laudato Si upang maibalangkas ang inyong paglalakbay , praktikal na paggabay sa mga paraan ng pagsasagawa ng mga gawain , at mga kagamitan na makatutulong sa pagbubuo ng mapagkakatiwalaang mga komunidad na may iisang kalagayan , suliranin at interes.

Mga Plano ng Laudato Si

Habang tayo ay nagpupunyagi na maunawaan ang Laudato Si , ang mga bunga ng ating relasyon kay Hesus ay higit pa nating makikita sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan sa ating kapaligiran.(LS 217) Sinusuportahan ng Laudato Si Plan ang paglalakbay ng inyong pamayanan tungo sa integral na ekolohiya .

Ang plataporma ay nag-aalok :

  • Ang Mga Gabay sa Pagpaplanosa sa Laudato Si na magagamit ng inyong institusyon , komunidad o pamilya upang higit na malalim na maikilala at maisakatuparan ang inyong pagtugon sa Laudato Si.
  • Isang nakatuon sa prosesong pamamaraan na tutugon sa karisma ng inyong institusyon , pamayanan o pamilya.
  • Isang paggabay sa mga gawain na makatutulong sa pagtatatag ng higit na magandang kinabukasan sa pamamagitan ng Mga Layunin ng Laudato Si'
  • Pagkilala sa Inyong Pag-unlad

Praktikal na Paggabay

Tayo ay tinatawagan ng Maykapal na magkaroon ng ng isang bagong paraan ng pamumuhay na sadyang mabuti, totoo at maganda,”(LS 205). Nangangako tayo na sama-samang magsasagawa ng nararapat na pagkilos dahil ito ay madalian at kinakailangan.(LS 57)

Ang plataporma ay nag-aalok :

  • Mga sanggunian /materyal na maaaring makapagbigay ng mga praktikal at konkretong gabay sa mga paraan ng paggawa ng aksyono pagkilos.
  • Webinars sa mga gawain at kaganapan

Komunidad

Ang landas na ito ay siyang hahamon sa atin at ang mga ideya at suporta ng ating mga kapatid kay Kristo ang magpapatibay sa atin sa ating paglalakbay. “Tayo ay nilikha sa pag-ibig” at ang mas malalim na pakikipag-ugnayan ang magpapalago sa atin saan man tayo dalhin ng Banal na Ispiritu. ( LS 58)

Ang plataporma ay nag-aalok :

  • Kagamitan o mga materyal upang patatagin ang ating komunidad.
  • Mga paraan upang direktang makapag-ugnayan tayo sa iba pang mga kasali s programa
  • Mga kwento makapagbibigay ng inspirasyon ng mga taong gumagawa na ng mga hakbang o aksyon

Ang mga Sektor na pinagsisilbihan

“May dahilan upang umasa ang sangkatauh na na ang takipsilim ng ika -21 siglo ay maaalaa dahil sa bukas -palad na pagpasan sa mga mabibigat na responsiblidad “ . (LS 165)

Magpatala

Mga Madalas Na Katanungan

Nag-aalok ang Plataporma ng Laudato Si Action ng komprehensibong suporta sa paglalakbay ng inyong institusyon , komunidad , o pamilya tungo sa integral na ekolohiya. Ang seksyon na ito ay nagbibigay ng impormasyong  lohistikal at pagpapaliwanag sa mga karaniwang terminolohiya.

HIgit pang Impormasyon