Ang Catholic Health Association Nangangalaga ng Pangangatawan at Kaluluwa
Posted 7 June 2021
video courtesy Catholic Health Association of the United States
Mahigit sa isa sa pitong pasyente sa Estados Unidos ang inaalagaan ng katolikong ospital , na nagbibigay ng walang katumbas na oportunidad upang maibahagi ang mapagpagaling na pagmamahal ng ating Tagapagligtas. Sinusuportahan ng Catholic Health Association ang mga pasilidad na nangangalaga sa mga pasyente , tinutulungan silang yakapin ang ang pangkabuuang pananaw ng paggaling na higit pa sa pagbibigay ng de kalidad na pangangalagang medikal sa pag-aalaga sa mga tao , mga komunidad ,sa isip pangangatawan at kaluluwa.
Ang Catholic Health Association ng Estados Unidos ay nagsisilbi sa 600 ospital at sa mahigit ng 1600 sentro ng paglilingkod – pangkalusugan , at ito ay katuwang sa pagbubuo ng Plataporma ng Laudato Si Action. Ang pananaw nito tungkol sa mga pangangailangan at mga karanasan ng mga nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa Estados Unidos ay nagpapayaman ng kabuuang pagsulong ng plataporma .
Ang video na nasa itaas (sa English) ay nagsasalaysay ng mga nakaaantig na kwento kung paanong dinadala ng Catholic Health Association ng Estados Unidos at mga miyembro sa kanilang mga ginagawa ang katuruang Katoliko tungkol sa mga nilikha .
Malugod kayong inaaanyayahan na kilalanin ang pagtawag sa inyo na makiisa sa kilusang ito.