Inihayag ni Kardinal Peter Turkson , ang Prefect ng Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao ng Dikasterya ng Vatican ang paglikha ng Plataporma ng Laudato Si Action.
Ang Plataporma ng Laudato Si Action ay isang pangunahing inisyatibo ng vatican upang bigyang kalakasan ang simbahang unibersal na matamo ang kabuuang pagpapanatili ng yamang- likas sa pangkabuuang diwa ng integral na ekolohiya. Habang kinakaharap ng sangkatauhan ang krisis pang-ekolohiya , ang Plataporma ng Laudato Si Action ay nag-aalay ng bagong paraan ng pagsulong , na nagbubuklod sa mga Katoliko at sa lahat ng may mabuting kalooban tungo sa paglalakbay patungo sa isang makatwiran at sustenableng kinabukasan.
Ang Plataporma ng Laudato Si Action ay nasasalig sa pundasyon na itinataguyod ng mga katuwang na organisasyon upang magkaroon ng pagkakataon sa sama-samang pagkilos. Ito ay nagbibigay ng bagong bwelo ng pagkilos upang maagap na matugunan ang krisis pang-ekolohiya.
Ang paghahayag sa araw na ito ay kaalinsabay sa pagtatapos ng Laudato Si Week at ang Espesyal na Taon ng Anibersaryo ng Laudato Si .
Kasama n ni Kardinal Turkson si Fr . Joshtrom Kureethadam , ang tagapag-ugnay ng sektor na Pang-ekolohiya ng Dikasterya sa opisyal paghahayag ng kaganapan.
Ayon kay Fr.. Kureethadam “ binibigyang – kahulugan ng Plataporma ng Laudato Si Action tungo sa konkretong pagkilos ang pangarap ni Pangarap ni Pope Francis na makalikha ng pangmalawakang pagkilos ang mga tao para sa pangangalaga ng ating nag-iisang tahanan. Ipinakikita nito ang pagsisikap na matutunan at mahikayat ang mga komunidad na namumuno sa mga pagsisikap na ito ng Laudato Si sa buong mundo. May mga tunay na halimbawa ng pamumuno na nakapagbibigay ng inspirasyon mula sa pitong sektor na pinaglilingkuran ng programang ito. Ating inaasam na ang platapormang ito ay makapagbigay ng isang pagkakataon upang magkaisa at lumago nang sama-sama.
Sa pagpapatuloy ni Fr. Kureethadam , “ Ang network ng mga katuwang na nagsusulong ng gawaing ito ay sadyang kahang-hanga . Ang kalakasan ng programang ito ay nabuo dahil na rin sa malaking bahagi ng kanilang pamumuno at karunungan . Sa katotohanan , hinahangaan natin na ang mga pananaw at kahusayan ng mga lokal na pinuno na mahalaga sa paglilingkod sa Simbahang unibersal .”
Bilang pagtatapos sinabi ni Fr. Kureethadam na “ Ang Plataporma ng Laudato Si Action ay nagbibigay ng isang paraan ng pagsulong , sa pagtatapos ng espesyal na Taong anibersaryo ng Laudato Si ni Pope Francis at isang pagkilos patungo sa mga susunod na hakbangin sa ating paglalakbay. Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa sama-samang pagtataguyod ng mas maliwanag na kinabukasan . Sama-samang paglalakbay! Ito ang pamayanan ng Synodal Church na ninanais ni Pope Francis na malikha bilang pangangalaga sa nag-iisa nating tahanan at sa isa’t isa.”