Komunidad

Inspirasyon mula sa mga Kalahok

Ang mga institusyon , komumidad at pamilyang nagpatala sa Plataporma ng Laudato Si Action ay nakagagawa ng tunay na pag-unlad tungo sa sustenabilidad sa pangkabuuang diwa ng Laudato Si. bilang bahagi ng ating sama-samang pangangako sa  pagbubuo ng higit na magandang kinabukasan , nagninilay ang mga lokal na lider na mga ito kung paanong ang kanilang mga pagpapahalaga ay nakaugnay sa mga layunin ng Laudato Si at gumagawa ng mga plano para sa konkretong aksyon sa susunod na taon.

I-click para makita ang mga dokumento at videos mula sa mga kalahok na nagninilay sa mga Layunin ng Laudato Si at gumagawa ng mga Plano ng Laudato Si

Tingnan ang mga Pagninilay
Tingnan ang mga Plano ng Laudato Si

Image decoration

Magbuo ng lokal na komunidad

Ang pagbubuo ng higit na mgandang kinabukasan ay nagangailangan ng “aktibong partisipasyon ng lahat ng miyembro ng komunidad.” (LS 144) Ang Plataporma ng laudato Si Action ay nagbibigay ng isang lugar na kakikitaan at  pagbabahagi  ng kaisipan , subalit ang mga lokal na komunidad ang nasa puso nito.

Mag-host ng Screening ng "the Letter"/Ang Liham
Paano mag-organisa ng kaganapan ng Laudato Si
Paano tatalakayin ang laudato Si sa mga kapitbahay at mga kasamahan

Mga Kasama sa Plataporma nng Laudato Si Action

Ang Plataporma ng mga Gawain ng Laudato Si ay bunga ng natatanging kolaborasyong sa pagitan ng Dikasterya ng Vatican Para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantaon na binubuo ng halos 200 organisasyong Katoliko sa iba’t ibang panig ng mundo.

Matuto pa

 

“ Lahat tayo ay maaaring makiisa bilang mga instrumento ng Diyos para sa pangangalaga ng mga nilikha , bawat isa , ayon sa kanyang kultura , karanasan , pakikisangkot at mga talento.” (LS 14)

“Turuan nating matuklasan ang halaga ng bawat bagay , mapuno tayo nga paghanga at pagninilay, upang mabatid na tayo ay may malalim na pakikipagkaisa sa lahat ng nilalang habang tayo ay naglalakbaypatungo sa ating walang hanggang kaliwanagan” (LS 246)

Magpatala