Ang Dikasterya para sa Pagtataguyod ng Integral na pag-unlad na Pantao
Ang Dikasterya
Ang Plataporma ng Laudato Si Action ay isang inisyatibo ng Dikasterya para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao na itinatag sa pamaamgitan ng Motu Propio (kasulatang inilabas at nilagdaan)ni Papa Francisconoong 2016.
Kasama ng ilan pang mga inisyatibo , ang Dikasteryang ito sa pakikipag-ugnayan sa mga miyebro ng Simbahan , pandaigdigang organisasyon at sambayanan na humaharap sa mga mananampalataya at mga di mananampalataya ay nagmumungkahi ng mga gawain , proyekto at mga inisyatibo ng pag-aaral at pagninilay na nakalaan sa higit pang mabuting pagpapaliwanag ng Laudato Si , sa kalikasan at sa ekolohiya, na nakatutulong na palaganapin ang kultura ng paggalang sa planeta at sa sangkatauhan; sa karapatan sa mga lupain ; sa pagpapaunlad ng agrikultura ; sa wastong pamamahala ng enerhiya , katubigan at iba pang yaman mula sa ilalim ng kalupaan ; sa pagmimina at mga gawain sa pagkuha ng likas na yaman; sa karapatan ng mga katutubo
“Sa lahat ng kanyang pagiging simbahan at gawain , ang Simbahan ay nananawagan sa pagtataguyod ng integral sa Pag-unlad ng tao sa diwa ng ebanghelyo”
Apostolic Letter of Pope Francis
Prefect
Si Kardinal Michael Czemy S.J.ay inordinahan ng Society of Jesus sa Canada noong 1973 ang nagtapos ng kanyang doctorate degree sa Unibersidad ng Chicago.Siya ang Founding Director ng Jesuit Centre for Social Faith and Justice , naging Vice -Rector ng University of Central America sa San Salvador at Direktor ng Human Rights Institute nito , nagtatag ng African Jesuit AIDS Network, nagsilbi sa Social Justice Secretariat sa Jesuit General Curia sa Roma at naging tagapayo ni Kardinal Peter Turkson at kalihim ng Migrants and Refugees Section ng Dikasterya Para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao.
Noong 2019, siya ay itinalagang Cardinal Deacon at tagapagtanggol ng Church of San Michele Arcangelo sa Roma. Noong April 2022, itinalaga siya ng Banal na Papa bilang Prefect ng Dikasterya Para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao
Kalihim
Si Sister Alessandra Smerilli , FMA ay pumasok sa kongregasyon ng Daughters of Mary Help of Christians noong 1997. Siya ay may dalawang doctorates sa larangan ng Political Economy and Economics.
Siya ay isang natatanging propesor sa panlipunang ekonomiya at statistics sa Pontifical Faculty of Educational Sciences Auxilium , kung saan isa siya sa mga Lupon ng mga Director . Siya ay nagtuturo rin sa Salesian Pontifical University at sa University of Milan -Bicocca .
Siya ay ang Kalihim ng Social Weeks of Italian Catholics , miyembro ng Ethics Committee ng CHARIS Consortium , at isang miyembrong tagapagtatag ng School of CIvil Economics. Siya ay tumanggap ng Order of Star of Italy .
Noong 2020, naging tagapag-ugnay si Sr. Smerilli Economic Task Force of the Vatican COVID-19 Commission. Noong Marso 2021, itinalaga siya ni Pope Francis bilang Undersecretary for the Faith and Development Sector . Bilang interim, siya ang kauna-unahang babaeng kalihim ng dikasterya noong Agosto 2021. Dahil dito siya ang naging babaeng may pinakamataas na posisyon sa curia ng mga panahong iyon. Noong April 2022 siya ang naging kalihim ng Dikasterya.
Karagdagang kalihim
Si Fr. Fabio Baggio, C.S. ay miyembro ng Congregation of the Missionaries of St. Charles–Scalabrinian. Siya ay may Lisensya sa Kasaysayan ng Simbahan mula sa Pontifical Gregorian University sa Roma.
Nakapagturo siya sa mga unibersidad sa Argentina , Pilipinas at sa Italya. Pinamahalaan niya ang Scalabrini Migration Center sa Pilipinas at naging Direktor ng Scalabrini International Migration Institute sa Roma.
Noong January 2017, siya ay itinalaga bilang Co-Under-Secretary of the Migrants and Refugees Section ng Dikasterya Para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao.
Noong April 2022, itinalaga siya ng Banal na Papa bilang Undersecretary ng Dikasterya Para sa Pagtataguyod ng Integral na Pag-unlad na Pantao na responsable para sa Seksyon ng mga Migrante at Refugee at mga Natatanging Proyekto .
Seksyon ng Ekolohiya
Ang tagapag-ugnay ng Seksyon ng Ekolohiya ng Dikasterya ay si Rev. Dr. Joshtrom Isaac Kureethadam. Siya rin ang Tagapangulo ng Philosophy of Science at Direktor ng Institute of Social and Political Sciences at the Salesian Pontifical University sa Roma.
SI Dr. Tebaldo Vinciguerra at Fr. Emmanuel Vyakuno Kule ay mga kawani ng Sektor ng Ekolohiya at Mga NIlikha
“ Nais kong kilalanin , hikayatin at pasalamatan ang lahat na nagsisikap sa maraming pamamaraan upang matiyak ang pangangalaga sa ating tahanang ating pinagsasaluhan.”(LS 13)