Mga Artikulo ng Komunidad

Mga Paparating na hakbangin sa paglalakbay

Posted 1 October 2021

Bird in flight

Photo Ramzi Bezzoudji

Sa pagsisimula ng ating mapagpanibagong paglalakbay sa kabuuang sustenabilidad sa diwa ng Laudato Si , Ang Laudato Si Action Platform Actiona ay malugod na nagbabahagi ng ilang bagong impormasyon sa ga susunod nating hakbangin sa ating paglalakbay.

Halos 200 katuwang na organisasyon ang sama-samang nagsisikap upang mahubog ang Laudato Si Action Platform at mayroon ng mga pamayanan sa iba’tibang bahagi ng mundo ang nangangako ng kanilang pangako na tumugon sa panawagan ng Laudato Si sa pamamagitan ng pagkilala at magpapatupad ng konkretong plano sa tulong ng mga Gabay sa Pagpaplano ng Laudato Si.

Naging mayaman ang prosesong sinodal na pagbubuo ng Laudato Si Action Platform. Ang Katuwang na pamumuno ng mga miyembro ng pangkat na nakatalagang magtrabaho ay nagbigay ng inspirasyon sa ebolusyon at paglawig ng programa ,at nitong mga nakaraang linggo , naramdaman natin ang paanyaya ng Banal na Ispiritu sa Pangkat ng Laudato Si Action Platform na ipagpatuloy ang pagbubuo ng dinamikong pakikipag-usap na nagaganap sa mga magkakatuwang na ito.

Bilang tugon, ang petsa ng pagrerehistro ng inyong pamilya, pamayanan, o institusyon upang makalikha ng inyong plano sa Ludato Si ay pinalawighanggang sa Nobyembre 14, ang Pangdaigdigang Araw ng Panalangin para sa mg Maralita.

Maraming grupo o pangkat na ang patungo na sa paglikha ng kanilang mga Laudato Si Plan , habang ang iba naman ay nagsisimula sa mga unang hakbang sa pagtahak sa landas patungo sa ” Pangkalikasang pagbabalik-loob ” Umaasa kami na ang pagbabahagi ng karagdagang mapagkukunan o materyales sa Nobyembre sa halip na Oktubre ay magiging daan upang higit pang yumabong o umunlad ang sama-samang proseso na kasalukuyang nagaganap. Tinatawagan tayo ng Banal na Ispiritu sama-sama kumilos at ” maghabi ng bigkis ng pagiging kabilang at pagsasama-sama,” at iyan ang panawagan na malugod na tinutugunan ng Laudato Si Action Platform.

Nananatiling isang napakahalagang araw ang Oktubre 4 sa Simbahan at sa ating sama-samang paglalakbay , ang araw upang ipagdiwang natin si San Francisco ng Assisi , na nag-aanyaya sa atin na tingnan ang kalikasan bilang isang kamangha-manghang aklat kung saan nagsasalita ang Diyos sa atin.(LS120.) Upang tandaan ang araw na ito , at upang matulungan tayong madalanging makapaghanda para sa ating landasin , inaanyayahan namin kayo na sumama sa amin sa 40 na araw ng panalangin para sa pandaigdigang komunidad na sama-samang naglalakbay patungo sa landas ng Laudato Si.

Kayo ay malugod na inaanyayahan na manalangin sa loob ng 40 araw sa pagitan ng Oktubre 4 , na Kapistahan ni San Francisco ng Assisi at Nobyembre 14. ANg Nobyembre 14 ay Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Maralita at ang paglulunsad ng mga bagong materyales sa pagpaplano sa Laudato Si Action Platform.

Maaaring i-download ang mga panalangin para sa pitong sektor na ibinibigay ng Laudato Si Action Platform dito.

Huwag mag-atubiling i -download ang indibidwal na panalangin para sa inyong sektor dito.

Maaari rin ninyong ibahagi ang mga panalangin na ito sa inyong network.

Ang pangkat ng mga materyales at mapagkukunan at talaaan ng mga kaganapan, na buong kabutihang loob na ibinabahagi ng network ng mga katuwang na organisasyon na kasama sa paglikha ng Laudato Si Action Platform ay lalabas na sa Oktubre 4. Malaya ninyong magagamit ang mga kagamitang ito sa pamamagitan ng pag-click sa Resources and Events pages.

Isang taimtim na panalangin ng Laudato Si’ Action Platform Team na ang pagpapalawig ng panahon ng paghahanda ay maging isang panahon ng mabungang repleksyon at masaganang mga biyaya, sa ating pagsasama-sama bilang nagkakaisang pamilyang Katoliko sa ating paglalakbay sa sustenabilidad sa kabuuang diwa ng Laudato Si.