Sanggunian

Sa Laudato Si , inaanyayahan tayo ni Pope Francis na ‘tuklasin kung ano ang kaya nating gawin “sa sama-samang pagbubuo ng higit na magandang kinabukasan . (LS 19) Ang pagtugon sa panawagan ng Laudato Si ay nangangahulugan ng pagyakap sa mga bagong paraan ng pamumuhay , ang paglago ng ating kamulatan sa mga ugnayan ng bawat bagay ay nangangahulugan ng konkretong aksyon.

Sa inyong paghahanap ng mga impormasyon hinggil sa mga paraan ng pagsasagawa ng gawain o pagkilos , kayo ay malugod na inaanyayahan na gamitin ang mga kagamitan/ mapagkukunan na nasa ibaba. makikita ninyo ang mga konkreto , praktikal na kahusayan sa mga gawain na susuporta sa inyong pag-unlad patungo sa pitong Layunin ng Laudato Si. Ang mga kagamitan/Mapagkukunan na mga ito ay ibinibigay ng buong kagandahang -loob ng mga komunidad ng mga Organisayong Katoliko at iba pang mga katuwang o partners , ang lahat ay sama-samang nagsisikap na maisakatuparan ang bisyon /pananaw ng Laudato Si.

Kayo ay kapwa – tagalikha ng ating kinabukasan at kayo ay inaanyayahan na gamitin ang alinman sa mga kagamitan/mapagkukunan na nasa ibaba habang binabagtas ninyo nang dahan -dahan ang ating paglalakbay tungo sa sustenabilidad sa pangkalahatang diwa ng integral na ekolohiya.

Gamitin ang opsyong Search at Filter sa gawing ibaba upang maghanap ng kagamitan /mapagkukunan.

“ Sa pamamagitan lamang ng pagpapayaman ng mabubuting pagpapahalaga makalillikha ang mga tao ng hindi makasariling pangakong pangkalikasan (LS 211)

Magpatala